Titser umorder ng P15K cellphone, bato dineliber

Viral sa Facebook ang post ng isang guro kung saan ipinakita nito na bato ang nasa laman ng kahon ng inorder niya na cellphone na nagkakahalaga ng P15,000.

Makikita sa post ni Catherine Magtangob ang ‘unboxing’ niya sa naturang cellphone na binili gamit ang kanyang pinag-ipunan.

Ngunit nang nabuksan na ang kahon, walang ibang makikita kundi isang bato.

Ang masama pa nito, online binili ang cellphone at cash on delivery. Nakaalis na rin ang rider nang mabuksan nila ang kahon.

Gayunman, nahabol pa nila ang rider ngunit tumanggi ito na ibalik ang bayad dahil naka-report na umano ito sa kanyang kompanya.

Sa kabila nito, nagmagandang-loob pa rin ang rider at sinabihan si Magtangob na i-video ang pagbubukas ng cellphone para maiulat ito sa kinauukulan.

Sa isa pang post noong Marso 7, ibinalita uli ni Magtangob na naibalik na sa kanyang Lazada Wallet ang naturang halaga na pinambili ng cellphone.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng tumulong sa kanya na maasikaso ang pangyayari. (Mark Joven Delantar)

The post Titser umorder ng P15K cellphone, bato dineliber first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments