Hinamon ni dating senadora Nikki Coseteng si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at ilang transport officials na mag-commute sabay mag-ocular inspection patungong Bocaue, Bulacan para malaman ang hirap ng pagbibiyahe.
Kasabay nito, inanyayahan pa ni Coseteng si Tugade at ilang DoTR officials na magkita sa Bonifacio Monument sa Caloocan City at doon ay sabay silang sumakay ng pampasaherong sasakyan patungo sa central bus terminal sa Bocaue, Bulacan, na kung saan nandoon ang mga provincial buses.
Samantala, tuloy pa rin ang bet na P2M para gumamit ng public transport si Tugade upang malaman nito ang hirap na dinaranas ng mga pasahero sa pagko-commute.
“I’m sure they will discover the difficulties that commuters face just to go to their provinces,” ayon kay Coseteng.
Hindi umano maintindihan ni Coseteng kung bakit ang mga provincial buses na bumibiyahe ng pa-norte ay kailangan pang pumunta ng central bus terminal sa Bocaue.
Ang Bocaue bus terminal ay katabi ng Iglesia Ni Cristo-owned Philippine Arena, na walang pasilidad para sa mga pasahero at pagod na provincial bus drivers at 30 kilometers na malayo sa Metro Manila at hirap ang mga commuters na pumunta doon.
Nilinaw naman ni Coseteng na wala siyang pag-aaring provincial bus pero marami siyang natatanggap na reklamo. (Vick Aquino)
The post Sabay mag-commute! Coseteng hinamon si Tugade first appeared on Abante Tonite.
0 Comments