4 Marinong Pinoy tiklo sa cocaine smuggling

TIMBOG ang apat na marinong Pinoy nang masabat sa kanila ng Australian authorities ang dumating na 416 kilograms ng high grade cocaine na nagkakahalagang US125 million o katumbas ng P6.5 bilyon.

“The four men, aged between 29 and 44, have been charged with importation of a commercial quantity of border controlled drugs namely cocaine, contrary to section 307 (1) of the Criminal Code 1995,” pahayag ng Australian Federal Police, Australian Border Force (ABF), Australian Criminal Intelligence Commission, South Australia Police at ng Department of Home Affairs kung saan hindi muna pinangalanan ang mga suspek.

Ang sinasabing cocaine importation ang pinakamalaking nakumpiska sa South Australia, ayon sa Australian government.

“We’re proud to say this represents the largest border-controlled drug detection in South Australia’s history,” sambit ni ABF Acting Chief Superintendent Alex Kelsall.

Kung mapapatunayang guilty, nahaharap ang mga Pinoy seafarers sa maximum penalty ng life imprisonment.

Ang Australian Border Force ay nagsabi na ang mga opisyal ng bulk carrier merchant vessel sa Port Adelaide noong Marso 17 ay nakakuha ng ebidensya na may kinalaman ang apat bilang drop off ng droga sa karagatan.

Pinaniniwalaang ang smuggling operation ay bahagi ng malaking organized crime network.

Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs patungkol dito. (Kiko Cueto)

The post 4 Marinong Pinoy tiklo sa cocaine smuggling first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments