Bahay sinunog ng may problema sa isip

Patay ang isang Filipino-Taiwanese habang apat ang sugatan at naaresto ang nanunog sa bahay na sinasabing may problema sa pag-iisip sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa may New Antipolo St. Sta. Cruz, Maynila.

Iniimbestigahan na ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang suspek na si Leonardo Reboses, nasa hustong edad na siyang itinuturong nanunog ng bahay.

Kinilala naman ang nasawi na si Rogelio Esteron, Fil-Taiwanese, 55, company driver sa Makati, na tatlong buwan pa lang na nangungupahan sa lugar.

Kabilang naman sa apat na nasugatan sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar.

Ayon sa Manila BFP, nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na lumang bahay, alas-7:07 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SFO1 Roderick Andressa, sa kuwarto ni Eric Favilar na nasa ika-2 palapag nagsimula ang sunog, at kapatid nito sa ama ang suspek na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Ayon sa BFP, may 30 struktura ang nadamay sa sunog at 180 pamilya ang nawalan ng bahay. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bahay sinunog ng may problema sa isip first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments