9-anyos `hinigop’ ng swimming pool

Humantong sa trahedya ang sana’y masayang outing ng isang pamilya sa Tiaong, Quezon matapos malunod ang kasama nilang siyam na taong gulang na bata nitong Linggo.

Hindi na lang pinangalanan ang menor de edad pang biktima.

Ayon sa ulat, dumating ang pamilya ng biktima sa Lhago Resort sa Barangay San Isidro dakong alas-siyete ng gabi.

Habang naghahanda ng pagkain ang iba, walang nakapansin na lumusong na pala ang bata sa bahagi ng swimming pool na may pitong talampakan ang lalim.

Natagpuan na lamang nila ang lumulutang na katawan ng bata matapos ang ilang minuto.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival. (Mark Joven Delantar)

The post 9-anyos `hinigop’ ng swimming pool first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments