AJ, Aljur nagli-live in na

Ayon sa aming reliable source nagli-live na umano sina Aljur Abrenica at AJ Raval.True kaya ito?

Todo raw ang pagmamahal ng sexy actress sa aktor. Dahil dito, lagi raw pinapangaralan si AJ na ‘wag munang magpabuntis dahil kainitan pa ng career niya.

Bagamat hindi pa sila umaamin, binuking naman ni Jeric Raval (ama ng aktres) ang relasyon ng dalawa.

Sa huling panayam kay AJ ay wala naman siyang tinatanggi tungkol kay Aljur.

“Una pa lang naman wala naman kaming dineny ever, kaya nga kami napahamak eh. Kaya kami na-bash kasi parang naging open kami masyado hindi namin tinago,” sambit niya.

Inamin din ng aktres na nakilala na niya ang mga anak ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

“Mababait na mga bata tsaka matalino pa, malambing,” lahad pa AJ.

Nakausap na rin daw niya ang estranged wife ni Aljur at okay naman umano sila sa isa’t isa. (ART)

The post AJ, Aljur nagli-live in na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments