300 ex-AFP, PNP general tumaya kay Lacson

Nasa 300 mga retiradong heneral at dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police at naging matataas na opisyal ng pamahalaan ang nagpahayag ng kanilang suporta kay presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Bilang pagpapakita ng kanilang tiwala at pag-endorso kay Lacson, lumagda ng isang manifesto ang mga retiradong pulis, heneral at dating opisyal ng pamahalaan na ginanap sa campaign headquarters ng senador sa Parañaque City kahapon.

Pinangunahan ito ni dating Antipolo congressman Romeo Acop na campaign manager ni Lacson.

“Gusto naming ipakita talaga na, una, hindi siya nag-quit sa pagtakbo. Pangalawa, nandito pa rin kami na mga supporters niya, hindi rin kami umaatras sa laban. Kasi `yong leader namin hindi umaatras sa laban. Ngayon, nandito kami dahil sa isip namin, hindi mo dapat iwanan `yong iyong kaibigan `pag kailangan ka niya,” pahayag ni Acop.

Kabilang sa mga personal na dumalo sa manifesto signing ay sina dating Defense undersecretary Honorio Azcueta, ex-TO chief Col. Mariano Santiago, Maj. Gen. Carlos Tanega, dating senador at dati ring Defense chief Orlando Mercado, dating DICT secretary Eliseo Rio, Brig. Gen. Francisco Atayde at Brig. Gen. Edwin Corvera. Habang ang iba pa ay dumalo sa pamamagitan ng Zoom.

The post 300 ex-AFP, PNP general tumaya kay Lacson first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments