Atake ng mga insekto bantay-sarado sa Cagayan

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) sa Region 2 (Cagayan Valley) ang posibleng pag-atake ng isang uri ng mga insekto sa mga pananim na mais, palay at iba pang high-value crops sa nasabing rehiyon.

Ayon kay DA Regional Office 2 senior science specialist Minda Flor Aquino, nakikita nila na mataas ang infestation ng Fall Army Worm (FAW) sa mga pananim na mais sa Cabatuan at Aurora sa Isabela na mula 10% hanggang 30%.

Sinabi ni Aquino, aabot na sa 1.1 ektarya ng mga pananim na mais ang apektado ng FAW sa mga naturang bayan.

Ang nakikita umano nilang dahilan nito ay ang hindi tumitigil na pagtatanim ng sweet corn na pangunahing kinakain ng FAW.

Aniya, mayroon ding lugar na apektado ng FAW sa Nueva Vizcaya ngunit kakaunti lamang ang nasalanta.

Sinabi pa ng DA na maagap namang natugunan ang FAW infestation kaya kaunti lamang ang naapektuhang mga pananim sa San Pablo, Isabela at Diffun, Quirino. (Allan Bergonia)

The post Atake ng mga insekto bantay-sarado sa Cagayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments