Baby natagpuang patay sa dam

Isang wala nang buhay na bagong silang na sanggol ang natagpuan sa loob ng isang dam sa bayan ng Catarman sa Northern Samar nitong Lunes.

Sa report, nakita ng mga residente ang naturang sanggol sa river control ng Barangay Baybay.

Patay na ito nang matagpuan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulis para matukoy kung sino ang ina at nagtapon sa sanggol.

(Kiko Cueto)

The post Baby natagpuang patay sa dam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments