Dengue sa Cagayan; 2 dedo

DALAWA katao ang patay habang nasa 787 ang naitalang kaso ng dengue sa Cagayan Valley o Region 2, ayon sa Department of Health-R2 (DOH-R2).

Sa ulat, ayon sa DOH-R2, ang 787 na bilang ng mga tinamaan ng dengue sa Region 2 ay mas mataas kumpara sa 492 naitalang kaso noong nakaraang taon (2021) simula sa kaparehong buwan ng January hanggang April.

Sa datos, sinabi ng ahensya, pinakamarami ang kaso ng nasabing sakit sa lalawigan ay ang Isabela na umabot na sa 533, sinundan ng Cagayan na may 263 kaso; Nueva Vizcaya, 103; Quirino, 46 at Batanes na may dalawang kaso.

Ang dalawang nasawi, ayon sa DOH-R2, ay naitala sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Sa pagsusuri ng mga opisyal, lumalabas na 34% sa kabuuang kaso ay mga bata na nasa edad isa hanggang 12 anyos.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang maagang pag-ulan. (Allan Bergonia)

The post Dengue sa Cagayan; 2 dedo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments