Pinoy lawyer dinampot sa natsuging Canadian prof

TIMBOG ang isang Pinoy na abogado sa British Columbia, Canada na sinasabing sangkot umano sa pagkamatay ng isang Canadian university professor.

Kinilala itong si Rogelio “Butch” Bagabuyo, 54, na nahaharap sa kasong interfering with human remains.

Napag-alaman naman na naghain na ito ng piyansa at pansamantalang nakalaya.

Bago ito ay natagpuang bangkay si Mohd Abdullah, 60, na 21 taon nang nagtuturo sa Thompson Riverside University sa Kamloops, British Columbia.

Nakita ito na nakasilid sa isang plastic bin sa isang abandonadong van sa Monterey Place sa Kamloops.

Sa ngayon ay wala pang anumang pahayag ang abogadong Pinoy.

Lumitaw din na ang suspek pa ang nag-ayos ng last will and testament ng biktima. Alam din aniya ng suspek ang mga assets at properties ng nasawi. (Kiko Cueto)

The post Pinoy lawyer dinampot sa natsuging Canadian prof first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments