Pulis na nanutok, nanadyak sa away trapiko yari

Pinaiimbestigahan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) PMajor Gen Felipe Natividad ang pulis na nanutok ng baril at nagbanta sa dalawang Iranian national dahil sa away-trapiko sa Taguig City.

Ito ay matapos mag-viral ang video na nagpapakitang tinutukan ng baril ng police officer na si Junel Buenaflor ang dalawang Iranian national sa Barangay Bagumbayan Taguig.

Sa video, naririnig pa ang sigaw ng pulis na “Dapa! Papatayin ko kayo. Dapa! Habang nakatutok ang baril sa dalawang Iranian kung saan kita pang tinadyakan nito ang isa sa kanila.

Nalamam kay Acting Taguig police chief Col. Robert Baesa na magkasunod na binabagtas ng pulis at dalawang Iranian na magka-backride ang lugar.

Nalaman na nagkaayos naman ang tatlo at hindi na nagkasuhan pero minabuti ni Natividad na paimbestigahan pa rin ang pulis. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pulis na nanutok, nanadyak sa away trapiko yari first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments