Cafgu niratrat ng 4

Binawian ng buhay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) matapos tambangan at pagbabarilin ng di nakilalang suspek nitong Biyernes sa T’boli, South Cotabato.

Ang biktima ay kinilalang si Modskie Macabangin Vicente, 57, taga-Tantangan, South Cotabato.

Sa report ng Tboli Police Station, patungo sa Sitio Tablogan, Brgy. Aflek, T’boli, South Cotabato ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang harangin ng apat na armadong kalalakihan at walang habas itong pinagbabaril na agaran nitong ikinasawi.

Nang matiyak na napuruhan ang pakay ay mabilis nang nagsitakas ang mga salarin.

Nakakuha ang pulisya sa crime scene ng anim na basyo ng .45 kalibre na baril.

Sa ngayon ay puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananambang.

The post Cafgu niratrat ng 4 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments