Nagpahayag ng suporta ang ilang senador sa panukalang stimulus package ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. para sa mga industriyang labis na apektado ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel `Migz’ Zubiri, ipinangako niya sa nagdaang kampanya na magpasa ng Bayanihan 3 package na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga industriya tulad ng turismo at MSME (micro, small and medium enterprises) na tinamaan ng pandemya.
“So the request of our President to pass a stimulus package is part of my legislative priority as a re-elected Senator of the 19th Congress and will have my full support,” sabi ni Zubiri.
Inihayag din ng nagbabalik-Senado na si Loren Legarda, na titiyakin niyang mapopondohan ng sapat ang MSME Law.
“I will ensure that MSME programs of various government agencies will be effectively implemented. I will support the economic empowerment of every Filipino family,” diin ni Legarda.
Sa tanong kung susuportahan niya ang agarang pag-apruba ng panukalang P5 trilyon national budget para sa 2023, sinabi ni Legarda na: “Yes, of course. We will study the NEP (National Expenditure Program).. see if it’s aligned to a pandemic recovery budget, and amend when needed.”
Sinabi naman ni Senator-elect Francis `Chiz’ Escudero na dapat matulungan din ang sektor ng agrikultura na labis ring naapektuhan ng pandemya.
“I completely agree! This is exactly what we need, especially for MSME’s and the agriculture sector! Election spending spurred and increased our GDP (gross domestic product) and must be sustained in order to spur the economy further and create needed stable jobs domestically,” punto ni Escudero. (Dindo Matining)
The post Bagong ayuda package ipoporma sa Senado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments