Sinopla ng isang kongresista ang inilutang na planong pagpapatibay ng bagong batas para mabigyan ng ayuda ang mga Pilipino ngayong hindi pa ganap na nagwawakas ang pandemyang dala ng COVID-19.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, magmimistulang salita o palabas lamang ang pinaplanong `Bayan Bangon Muli’ o BBM bill pagpasok ng 19th Congress kung wala namang tiyak na mapagkukunan ng pondo para ilarga ang panukala.
Giit ni Lagman na hindi katulad ng Bayanihan 1 at 2, wala nang maaari pang i-realign sa 2022 national budget dahil 90% ng pondong inilaan dito ay nailabas na sa mga ahensiya ng gobyerno.
“Unless the new administration can find or create fresh funds, the `stimulus package’ monikered as Bayan Bangon Muli (BBM) will be mere sloganeering and simply a change in nomenclature from the original Bayanihan,” ayon kay Lagman.
Bukod dito, hindi rin aniya maaaring galawin ang Special Purpose Funds dahil ito’y nasa kategorya ng mga `mandatory’ tulad ng sahod, pension at calamity fund. (Eralyn Prado)
The post Bayanihan bersiyon ni BBM binoldyak na laway lang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments