Cynthia humirit ng term sharing kay Migz

Nag-alok umano si Senador Cynthia Villar ng maghati na lang sila ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel `Migz’ Zubiri sa termino bilang presidente ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang sinabi Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa, na siyang nagsilbing tulay sa usapan sa pagitan nina Villar at Zubiri na parehong naghahangad na maging susunod na Senate president.

“Open naman si Senator Cynthia ng term-sharing. In fact, nag-offer s’ya noon pa. Nag-offer s’ya na ganun,” ayon kay Dela Rosa.

“I’m not sure with Migz kung ok sa kanya pero si Maam Cynthia, ok naman s’ya sa term-sharing,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Dela Rosa, mismong si Villar ang nag-alok na term-sharing deal Zubiri.

“Narinig ko parang days before the election or after election na. Basta not so distant past,” punto ng senador.

Subalit sa panayam ng mga reporter noong Lunes, sinabi ni Zubiri na hindi pa nila napapag-usapan ang term-sharing dahil ilan sa mga miyembro ng `seatmate’ bloc sa Senado ay tutol sa naturang panukala.

“Term-sharing is something that still has to be discussed because I have members of my bloc who don’t like the idea of term-sharing unfortunately,” sabi ni Zubiri. (Dindo Matining)

The post Cynthia humirit ng term sharing kay Migz first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments