Hanggang ngayon hindi pa rin napapatawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa sa kanya ng ABS-CBN nang tumakbo siya sa presidential election noong 2016.
Inihayag ito ng pangulo sa kanyang pagdalo sa miting de avande ng Hugpong ng Pagbabago na ginanap sa Davao City noong Biyernes. Hindi umano niya alam kung makakabangon pa ang Kapamilya network matapos na mabigo itong makakuha ng panibagong prangkisa mula sa Kongreso.
“ABS-CBN has been shut down. I don’t know if it will rise again. But what they did to us was not right. There were many of us including congressmen who paid for our television advertisement which they never aired. And they have the gall to say I’m not being fair. P***** i**, you are all so shameless,” sabi ni Pangulong Duterte.
Muling binanggit ng pangulo na nagbayad siya ng P2 milyon para makalabas ang kanyang political ad subalit hindi ito inere ng ABS-CBN. Dahil ditto kung kaya’t hindi niya mapapatawad ang tv network.
“That’s why I won’t forgive ABS-CBN. And they even tried to paint us as the bad guys. They said we were targeting them for being my critics… I have never retaliated against any of them. I never harmed anybody, not even a single finger,” wika ng pangulo.
Inungkat din ulit ng pangulo ang aiya’y pagkabigo ng Kapamilya network na bayaran ang bilyong pagkakautang nito na kanyang ikinagagalit.
Matatandaang mismong Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang nagpahayag na regular na nagbabayad ng kanilang buwis ang ABS-CBN. (Prince Golez)
The post Duterte `di mapatawad ABS-CBN: Nakakahiya kayo! first appeared on Abante Tonite.
0 Comments