Jollibee, Bus terminal binomba

Dalawang magkasunod na pagsabog ang yumanig sa Isabela City, Basilan kahapon ng hapon na ikinasugat ng dalawa katao, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa inisyal na ulat na inilabas ni Isabela City Police chief Police Col. Jun Sittin, unang naganap ang pagsabog alas-5:33 ng hapon sa parking area ng fast food chain na Jollibee sa kahabaan ng Circumferential Rd. Plaza Rizal ng nasbaing lungsod.

Makalipas ang ilang minuto ay isa pang pagsabog ang naganap naman sa garahe ng D’Biel Bus Terminal kung saan dalawa katao ang sugatan.

Wala pang malinaw na pahayag ang pulisya hinggil sa insidente dahil patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naganap na pagsabog.

Wala pa ring grupong umaako sa naganap na pambobomba at kung ano ang kanilang motibo.

Inaalam pa rin kung anong klaseng improvised explosive device ang ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog sa dalawang lugar. (Edwin Balasa)

The post Jollibee, Bus terminal binomba first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments