Laure ratsada para sa Uste

TINULDUKAN ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses ang three-game winning streak ng Adamson University (AdU) Lady Falcons matapos silang akbayan ni Eya Laure sa 12-25, 25-19, 25-22, 18-25, 15-9 panalo sa ikatlong laro ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humampas si Laure ng 23 points mula sa 19 attacks at apat na blocks upang tulungan ang Golden Tigresses na ilista ang pang-apat na panalo sa anim na laro.

Malautong na palo ang kinana ni Laure upang hawakan ng Uste ang four-point lead, 12-8, sa set 5.

Hindi naman sinayang ng Golden Tigresses ang kanilang bentahe, itinuloy ang magandang laro upang makuha ang panalo. (Elech Dawa)

The post Laure ratsada para sa Uste first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments