Ano ang solusyon sa pamanang utang ng Duterte administration ?

Isang malaking pangamba ngayon ng lahat na posibleng magpataw na naman ng panibagong buwis sa taumbayan pagpasok ng bagong administrasyon sa Hulyo ngayong taon.

Ito ay matapos na isiwalat ng ekonomistang mambabatas na si Albay Congressman Joey Salceda na tinatayang P326 billion ang kailangang bayaran ng gobyerno para sa interest at pangunahing utang ng Pilipinas.

Ayon kay Salceda, kada taon ay kailangan maglaan ang gobyerno ng tinatayang P326 billion at magmumula sa tax policy reform sa pamamagitan ng mas maayos at episiyente at pang ekonomiyang polisiya sa bansa.

Ito ay upang mapondohan ang pagbabayad ng utang na mamanahin mula sa Duterte administration.

Ang pangalawang paraan ay kung muling mangungutang ang gobyerno or magbabawas ng gastusin sa mga proyekto at budget sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Kahit gaano pa kagaling ang mabubuong economics team ng papasok na Marcos administration ay ang pangamba ng lahat na maaaring magpataw na naman ng panibagong buwis.

Sa mga bagong buwis kasi nagiging basehan din ng mga nagpapautang sa Pilipinas at pagbibigay ng mas mababang interes .
Tiyak na sasakit ang ulo ng Marcos administration kung anong klaseng pagtugon dito dahil maaaring magreklamo ang maraming mamamayan na bumoto dito sa nakaraang eleksiyon kapag nagpatupad ng bagong buwis o babawasan ang gastos sa pangunahing serbisyong.

Samantala , abangan na lang natin kung ano ba ang pinal na diskarte ng susunod na administration at kung sino ba ang mga mamumuno sa economics team upang resolbahin ang napakabigat na problemang ito ng Pilipinas.

The post Ano ang solusyon sa pamanang utang ng Duterte administration ? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments