Number coding suspendido ngayong Martes

Pansamantalang sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o ang number coding scheme ngayong Martes.

Kasabay ito ng paggunita ng Eid’l Fitr, o ang pagtatapos ng Ramadan, na idineklarang regular holiday ng Malacañang.
Sa ilalim ng UVVRP, hindi pinapayagan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila mula 5pm hanggang 8pm ang ilang sasakyan, depende sa numero ng plaka.

Bawal lumabas ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 kada Lunes; 3 at 4 tuwing Martes; 5 at 6 sa Miyerkules; 7 at 8 sa Huwebes; at 9 at 0 tuwing Biyernes. (Damien Horatio Catada)

The post Number coding suspendido ngayong Martes first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments