52 karahasan sa eleksyon nilista ng PNP

IBINUNYAG ng Philippine National Police (PNP) na may 52 election-related violence na naiulat sa kanila bago pa man ang May 9, 2022 elections.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na sa nasabing bilang, 28 ang kumpirmadong walang kinalaman sa hatol ng bayan 2022, habang ang 14 ay bineberipika.

“As of May 1, nakapagtala na po tayo ng 52 election-related incidents. Out of the 52 election-related incidents, 28 po doon ang validated non-election related incidents, while 14 po ang under investigation and suspected,” sinabi nito.

Pero giit ni Fajardo na sa nakuha nilang impormasyon, 10 dito ang election-related.

Sa mga lugar, tinukoy niya na nangyari ito sa Ilocos Region, Zamboanga, Central Luzon, Northern Mindanao at Cordillera. (Kiko Cueto)

The post 52 karahasan sa eleksyon nilista ng PNP first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments