2 bahay wasak sa Bontoc landslide

Masuwerteng isa lang ang sugatan makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang dalawang bahay sa Bontoc, Mountain Province kahapon nang madaling-araw.

Sinabi ni Bontoc local government spokesperson Christy Mae Che-es, tumumba ang isang puno at tumama sa water pipe na siya namang sinasabing dahilan kaya’t gumuho ang lupa bandang alas tres nang madaling-araw.

Nasa tatlong tao lang ang nakatira sa dalawang bahay pero agad silang nakalikas bago matabunan ng lupa dahil mabilis na umano silang lumabas nang matumba ang puno.

Sugatan ang paa ng isa sa mga residente dahil sa naapakang bote habang lumilikas. (Kiko Cueto)

The post 2 bahay wasak sa Bontoc landslide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments