Bela ‘di pinagselosan ng esmi ni JC

NI:VINIA VIVAR

Magkasabay na ipinakilala kahapon sa entertainment press si JC Santos at misis na si Shyleena bilang bagong Ambassadors ng BeauteHaus ng Beautederm ni Miss Rhea Anicoche-Tan. Kasabay din nito ay ang contract-signing ng mag-asawa. Ginanap ang bonggang event sa Marriot Hotel sa Pampanga.

Ang BeautéHaus ay itinatag ni Miss Rhei noong 2016 at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Sa nakalipas na anim na taon, libu-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatments.

Sumailalim si JC sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl tulad Lipodissolve at M-Shape na non-invasive body sculpting at slimming treatments.

Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

“Kahit kaming mga lalake ay dapat umeffort para maging maayos ang aming itsura,” sabi ni JC.

“Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus,” dagdag niya.

Medyo mahiyain naman ang misis ni JC na si Shyleena at aminadong hindi sanay sa mga ganitong mediacon. Pero dahil nga isang aktor ang kanyang asawa ay iniintindi niya ang trabaho nito at unti-unti na rin naman daw siyang nasasanay.

Natawa si Shyleena nang matanong siya kung ano ang feeling niya kapag may mga kissing scenes si JC at ang madalas na kapareha nito na si Bela Padilla.

Aniya ay ninang daw si Bela ng kanilang anak at may tiwala raw siya sa mister.

“He makes me secured na po so ang tiwala ko sa kanya is 100%. Work lang po talaga siya. Saka friend ko si Bela din. Saka ang kagandahan po do’n is parang lahat po ng nagiging leading lady po niya, nagiging kaibigan ko rin po so parang it’s a good relationship po. Wala pong selos,” sey ni Shyleena.

The post Bela ‘di pinagselosan ng esmi ni JC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments