Mga bangka nasunog, tumaob; 5 patay

Isa ang nasawi sa nasunog na bangka sa karagatan ng Bohol habang apatna mangingisda ang iniulat na namatay sa tumaob namang bangka rin sa Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasunog at lumubog angbangkang MBCA Mama Mary Chloe habang naglalayag mula Ubay, Bohol patungong Bato, Leyte ala-1:00 ng hapon kahapon, June 26.

Sa update ng PCG, isa ang nasawi na kinilalang si Adolfo Rañola, 53-anyos ng Poblacion, Trinidad at inaalam kong pasahero o crew angnamatay.

Isa na lamang ang pinaghahanap na sakay ng nasunog na bangka habangumabot sa 165 ang na-rescue na dinala sa Port of Hilongo, Leyte at munisipalidad ng Pitogo.

Samantala, apat na mangingisda naman ang sinawing-palad sa tumaob nabangka sa Bataan.

Sa panayam ng programang KBYN sa ABS-CBN ay sinabi ni Police Lt. Mariel Quizon ng Regional Maritime Unit 3 na nakarating sila angnangyaring pagtaob ng bangka.

“Nag-verify ako mayroon pa pala isang istasyon natin kung saan doonnaka-receive ng report. ‘Yon po ‘yong nandon sa parteng Mariveles, ‘yon nga 49 na katao, 4 ‘yong namatay pagkatapos meron pang 1 missing,” aniLt. Quizon .

Isang mangingisda na kinilalang si Joshua Añonuevo, ang tumulong sapagsagip sa mga kabaro nitong mula sa Nasugbu, Batangas na pawangsakay ng tumaob na bangka.

Sa ulat, dala ng lakas ng ulan habang naglalayag sa Bataan para mangisdaay tumaob umano ang bangka ng mga mangingisda mula sa Batangas, madaling-araw ng June 23, kaya’t nagpalutang-lutang ang mga itohanggang sa masagip.

Inihatid umano ng mga mangingisda sa Batangas ang mga kabaro kabilangang apat na nasawi.

Isang mangingisda na lamang ang iniulat na nawawala sa pagtaob ngnasabing bangka. (Kiko Cueto)

The post Mga bangka nasunog, tumaob; 5 patay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments