P265M Grand Lotto jackpot ‘di pa nasusungkit

May pag-asa ka pang maging milyonaryo!

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na wala pa ring nakatumpak sa lumabas na winning combination kagabi, June 25 ng Grand Lotto 6/55.

Mahigit P265 milyong jackpot ang maaari pang madagdagan mataposhindi mahulaan ang six-digit winning combination na 22-51-41-31-16-39.

Samantala, may sampung mananaya naman ang nagkaroon ng tig-P100,000 matapos makuha ang lima sa anim na winning combination. (Issa Santiago)

The post P265M Grand Lotto jackpot ‘di pa nasusungkit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments