Tuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa halalang barangay na itinakda sa Disyembre 2022 sa kabila ng mga panawagan na ipagpaliban ito.
Ayon kay Comelec Director for Education and Information Department James Jimenez pinag-uusapan na nila ang mga scenario para sa halalang barangay.
“Remember nasa panahon pa rin tayo ng pandemya and we’re still planning very carefully all of these procedures that we hope that will make the barangay elections safe,” ayon kay Jimenez.
“Wala pa akong naririnig na proposal na mapo-postpone ang barangay elections but even then kahit meron magtutuloy kami hanggang sa actually ma-postpone,” dagdag ni Jimenez.
Una nang inilutang sa Kamara ang pagpapaliban ng halalang barangay para makatipid umano sa pondo at gamitin muna sa pagbabangon ng ekonomiya. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Comelec pinaplantsa na halalang barangay first appeared on Abante Tonite.
0 Comments