Work from home sa gobyerno walang OT pay

Walang overtime pay para sa mga empleyado ng gobyerno na work from home, ayon sa Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada ang paglilinaw ang mga empleyado lamang na personal na nagre-report sa kanilang opisina at lumagpas ang oras ng trabaho ang papayagan na makatanggap ng overtime pay.

“You are entitled to overtime pay as long as you report for work. Yung mga nagwowork-from-home, satellite office, fixed place, you are not entitled to overtime pay,” paliwanag ni Lizada sa Laging Handa public briefing.

Samantala, nilinaw din ni Lizada na ang flexible work arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno ay nasa pagpapasya ng namumuno sa ahensiya subalit mahalagang tiyakin na patuloy ang ginagawa nilang serbisyo sa publiko mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. (Dolly Cabreza)

The post Work from home sa gobyerno walang OT pay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments