Dating titser natagpuang nakabulagta

WALA ng buhay ang isang retiradong guro na natagpuang nakabulagta sa ilalim ng puno ng saging sa bukid malapit sa kanilang bahay sa Barangay Pudoc, San Vicente, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng San Vicente Police Station (SVPS) ang biktima na si Vicente Henry Retuta, 56, may asawa, magsasaka, retiradong guro, ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng isang Edwin Tamardo, 53, na puno ng putik ang mukha at katawan ng biktima na nakabulagta sa ilalim ng puno ng saging.

Agad na tumawag sa SVPS si Tamargo na agad namang rumesponde sa lugar at sa tulong ni Dr. Amado Viesta, Municipal Health Officer, nagsagawa ng external examination sa biktima.

Walang nakitang indikasyon ng trauma o external injury at walang resistance of wound sa katawan ng biktima.

Sinabi naman ng pamilya ng biktima na si Vicente ay may history ng heart disease.

Hinihinalang nagpunta sa bukid ang biktima para bisitahin ang kanyang mga pananim at habang nasa bukid ay biglang inatake sa puso na siya nitong ikinamatay. (Allan Bergonia)

The post Dating titser natagpuang nakabulagta first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments