Pag-aangas ni Justin Arana PBAPC Player of the Week ang katumbas

Uminit si Justin Arana nang kinakailangan upang mapanatili ang Converge sa karera para sa playoff spot sa 50th PBA Commissioner’s Cup.

Ginulantang ng FiberXers ang TNT at Phoenix Super LPG, kung saan nagposte siya ng 17.0 points, 9.5 rebounds at 3.0 assists.

Iyon ang nagbigay nitong Martes ng pagkilala sa basketbolista bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa Abril 21 -26 habang ang umunlad sa 4-6 win-loss record ang kampo niya.

Ang pagganap ni Arana sa 97-92 na tagumpay ng kanyang kampo laban sa Tropang 5G ang malaki ang naging bahagi sa kanyang pagpili dahil naka-21 pts. at 10 rebs. siya habang nakipagsabayan kay 7-foot-3 import Bol Bol.

“Tinatagan ko na lang sarili ko, kasi para sa amin do-or-die na ‘to e,” kuda ni Arana. “Hindi ako pwede matakot kay Bol, kasi super kailangan namin itong laro na ‘to.”

Kumayod ang produkto ng Arellano University ng 13 pts., 9 rebs., at 5 asts. habang tinalo ng Converge ang Fuel Masters, 130-103, sa debut ng bagong import na si Donovan Smith.

Ang parehong panalo ay nagbigay-daan sa FiberXers na makalapit sa Magnolia at San Miguel Beer, sa ikapito-ikawalong pwesto sa 4-5.

Halos hindi mapanalunan ni Arana ang lingguhang parangal na ibinibigay ng mga miyembro ng PBA Press Corps na regular na nagko-cover liga. Ungos lang siya laban kina Jeth Troy Rosario ng Barangay Ginebra San Miguel at Gian Mamuyac ng Rain or Shine, na parehong namayagpag din para sa kani-kanilang mga koponan sa panahong iyon. (Abante Tonite Sports)

The post Pag-aangas ni Justin Arana PBAPC Player of the Week ang katumbas first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments