DOH: PH low risk sa COVID

Nananatiling low risk ang bansa sa COVID-19 sa kabila ng mga naitalang pagtaas ng kaso nito sa maraming lugar sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay umano sa datos ng DOH, 70% ng mga lalawigan, highly-urbanized city at independent component city ang nagpakita ng pagtaas ng mga kaso ng COVID. Subalit sinabi ng DOH na low risk pa rin ang Pilipinas sa COVID.

Bukod pa rito, ang mga severe at critical cases ay mababa pa sa 1.5% ng mga aktibong kaso.

Sa kabila nito, nagpaalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at iba pang hakbang para maiwasang mahawa ng virus. (Mark Joven Delantar)

The post DOH: PH low risk sa COVID first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments