MRT-3 escalator bumigay sa dagsa ng pasahero

Nilinaw ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) Line 3 na posibleng bumigay subalit agad namang naayos na ang escalator sa Ortigas Avenue Station nito na nagdulot ng pagsisiksikan ng mga pasahero at dumadaan sa footbridge na naganap kamakailan.

Sa inilabas na pahayag ng MRT-3 kahapon, nasira umano ang escalator ng northbound side ng Ortigas Avenue Station dahil na rin sa ginagamit ito bilang single entry at exit point kung kaya’t nagdulot ng pagdami ng pasahero na nagsisiksikan sa hagdan at footbridge.

“During normal operations, the escalator is used as access of MRT-3 passengers, bus passengers, and passers-by going to and from nearby malls, while the stairway is used by exiting MRT-3 passengers,” paliwanag ng MRT-3.

Hindi umano maiiwasan ang mga ganitong pangyayari dahil sa pagdagsa ng mga pasahero na nais gumamit ng escalator.

Bilang sagot sa pagdagsa ng mga pasahero, nagpatupad ng “stop-and-go” scheme nang masira ang escalator noong Miyerkoles ng hapon para makontrol ang pagdami ng sumasakay habang mabilis na kinukumpuni ng mga technician ng MRT-3 maintenance provider ang sirang escalator hanggang sa maayos ito Huwebes ng umaga.

Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa abala dulot ng nasirang escalator at paalala nito na mananatiling libre pa rin ang pagsakay sa kanilang mga tren mula North Avenue hanggang Taft Avenue. (Vick Aquino)

The post MRT-3 escalator bumigay sa dagsa ng pasahero first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments