Ferris wheel pumalya, 15 sakay tengga sa ere

Nagkaroon ng tensiyon sa isang perya sa Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte nang huminto ang ferris wheel na may 15 kataong sakay nitong Biyernes ng gabi.

Dahil sa aberya, stranded ang mga sakay ng halos isang oras dahilan para matakot ang mga ito.

Agad namang rumesponde ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection na malapit lang sa lugar ng perya.

Gamit ang boom truck ng Camarines Norte Electric Cooperative ay ligtas na naibaba lahat ng sakay kabilang na ang isang bata na dalawang taong gulang.

Wala namang naitala na nasaktan o sugatan sa insidente. (Ansherina Jazul)

The post Ferris wheel pumalya, 15 sakay tengga sa ere first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments