FX nag-dive sa bangin, 2 bata tsugi

PATAY ang dalawang bata habang sugatan ang tatlong iba pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang Tamaraw FX sa Gonogon, Bontoc, Mountain Province kamakalawa.

Ayon sa Bontoc Police Station, kinilala ang nasawing sina Fausto Ballakis Jr., 11, ng Sabangan, Mt Province at Nathan James Oloan Ballakis, 4, ng Samoki, Bontoc.

Samantala, ginagamot sa ospital ang sugatang sina Jeranie Querido Ballakis, 50; Fausto Ballakis Sr., 51, at Fernan Ballakis, 18, driver ng sasakyan.

Sa report, ayon kay P/Master Sgt. Esteban Khayad Jr., naganap ang aksidente alas-10:10 ng gabi sa Barangay Gonogon sa nasabing bayan.

Ayon kay Khayad Jr., pauwi na ang mga biktima nang mahulog sa bangin ang sinasakyang van na may lalim na 25-30 metro.

Lumitaw na nakaidlip umano ang driver kaya nawalan ng kontrol sa manibela at nahulog sa bangin.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit dead-on-arrival sina Fausto at Nathan James. (Allan Bergonia)

The post FX nag-dive sa bangin, 2 bata tsugi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments