Joma Sison Twitter, 2 pa sinuspinde

Sinuspinde umano ng Twitter ang opisyal na account ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, gayundin ang iba pang mga account na konektado sa kanyang grupo.

Ayon sa pahayag ni CPP Spokesperson Marco Valbuena Biyernes nang suspendihin ng Twitter ang account ni Sison, gayundin ang mga account ng Ang Bayan, at Sine Proletaryo.

Reklamo ni Valbuena, walang abiso ang Twitter at bigla na lamang sinuspinde ang mga naturang account.

Nitong Abril daw ay sinuspinde ang Facebook at Google Mail account ng CPP, ayon kay Valbuena.

Inilarawan ni Valbuena ang mga naturang hakbang bilang parte ng pagpapatahimik ng US sa boses ng mga grupong kontra sa imperyalismo sa social media. (Joven Delantar)

The post Joma Sison Twitter, 2 pa sinuspinde first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments