Naghahanda na ang Davao City sa isasagawang oath-taking doon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Hunyo 19.
Batay sa inilabas na impormasyon ni Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, spokesperson ni Duterte ang inagurasyon ay mag-uumpisa sa isang misa sa San Pedro Cathedral na pangungunahan ni Archbishop Romulo Valles alas-3 ng hapon. Mayroong mga ilalagay na LED screen sa kahabaan ng San Pedro street para sa mga hindi makakapasok sa simbahan.
Alas-4:30 ng hapon inaasahang magsimula ang oath taking sa itatayong stage sa labas. Ang panunumpa ni Duterte sa tungkulin ay pangangasiwaan ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.
Isang concert ang isasagawa alas-6 ng hapon na inaasahang tatagal ng alas-11 ng gabi. Kasama sa mga magpi-perform ay sina Andrew E, Isay Alvarez, Robert Seña, Njel de Mesa, at Wency Cornejo. Si Giselle Sanchez ang host ng programa. (Billy Begas)
The post VP-elect Duterte manunumpa sa SC Justice first appeared on Abante Tonite.
0 Comments