Kelot burado ang mukha, lumutang sa ilog

Hindi pa nakikilala ang isang lalaking sinasabing nasawi sa pagkalunod matapos matagpuan sa gilid ng Wawa river ngunit basag ang mukha at pinaniniwalaang pinahirapan saka napadpad sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan kamakalawa.

Sa report ng pulisya, hindi pa nakikilala ang biktimang iniulat na nalunod ngunit basag ang mukha, naka-fubu t-shirt, medium built, mahigit 5’ft ang taas at semi-kalbo. Nadiskubre ito sa gilid ng ilog.

Ang biktima ay nakita ng mga residente sa nasabing lugar na wala nang buhay na palutang-lutang

Hindi inaalis ng pulisya ang posibilidad na pinatay ito saka itinapon sa ilog.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng biktima na hinihinalang pinatay sa ibang lugar saka ipinaanod sa ilog at lumutang sa bisinidad ng Wawa river sakop ng Barangay San Juan, Balagtas. (Ronilo Dagos)

The post Kelot burado ang mukha, lumutang sa ilog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments