Magsasaka nakuryente sa bakod

Nasawi ang isang magsasaka nang makuryente sa bakod na kinabitan ng live wire ng may-ari ng farm sa Tagkawayan, Quezon Linggo ng tanghali.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Renato de Torres, 48, residente ng Barangay Sta. Monica.

Sa report ng Tagkawayan police, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng mismong may-ari ng farm na si Renato Lacambra, 63, retired PNP, ng Brgy. Sto.Nino II, Tagkawayan, na nakabulagta sa compound ng kanyang poultry farm.

Napag-alaman na nilagyan ng kuryente ni Lacambra ang barbed wire na nakapalibot sa farm para proteksyon umano sa magnanakaw.

Subalit wala umanong warning sign na may kuryente ang bakod dahilan upang matuluyan ang biktima.

Inaresto ng mga pulis si Lacambra at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ronilo Dagos)

The post Magsasaka nakuryente sa bakod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments