Nene inararo ng Ford sa QC

Patay ang 8-anyos na nene nang araruhin ng Ford Expedition sa Quezon CIty, nitong Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay si Jamela Joy Q Perez, 8, ng Block 29 Escopa 3, Quezon City.

Agad namang sumuko ang driver ng Ford Expedition na si Kurt Jhon Ancheta, na nahaharap ngayon sa Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Sa report ng Traffic Sector 3, ng Quezon City Police District (QCPD), alas-5:00 ng hapon (June 16), nang maganap ang aksidente sa kanto ng Katipunan at Aurora Boulevard, Brgy. Loyola Hieghts, sa lungsod.

Ayon kay PSMS Jose S. Soriano, ng Traffic Sector 3, binabaybay umano ng suspek ang Katipunan galing Marikina pero pagkaliwa nito sa Katipunan ay bigla umanong sumulpot ang bata at nasalpok ng minamanehong Ford ng suspek.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang bata at humampas ang ulo sa semento kaya isinugod agad sa Quirino Memorial Hospital pero binawian din ng buhay. (Dolly B. Cabreza)

The post Nene inararo ng Ford sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments