Tiwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa kakayahan ni retired Gen. Jose Faustino Jr. bilang susunod na kalihim ng Department of National Defense (DND).
Ito’y sa kabila ng nauna niyang pagtutol sa appointment ni Faustino bilang three-star general sa isinagawang pagdinig ng Commission on Appointments.
“Having capped his career as the AFP chief of staff easily qualifies Gen. Faustino as the next Secretary of National Defense in November,” ayon kay Lacson.
Paliwanag ng senador, ang pagtutol niya sa appointment ni Faustino bilang three-star general ay walang kinalaman sa kakayahan kundi sa disqualification nito dahil sa isinasaad ng Presidential Decree 1638 na nagbabawal sa pagtatalaga ng isang opisyal na wala pang isang taon bago magretiro.
Una nang inanunsiyo ng kampo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatalaga kay Faustino bilang senior undersecretary at officer-in-charge muna ng DND habang hinihintay na matapos ang one year ban sa appointment ng mga retiradong opisyal ng militar.
The post Lacson aprub kay Faustino na Defense chief first appeared on Abante Tonite.
0 Comments