Perez, San Miguel nilasing Converge

Pinangunahan ni Marcio Lassiter ang kalas ng San Miguel Beer sa second quarter, lumayo ng hanggang 31 bago ibinaon ang Converge 111-92 sa Ynares Center-Antipolo nitong Linggo ng gabi.

Matapos mabangasan ang dating unbeaten card sa Barangay Ginebra San Miguel noong Biyernes, balik sa win-column ang Beermen sa 4-1 overall sa PBA Philippine Cup elims.

Ibinuhos sa second period ni Lassiter ang 10 sa kanyang 12 points at mula sa 28-16 lead pagkatapos ng first ay pinalobo ng Beer sa 62-39 sa break.

“We have to bounce back hard, but we know Converge, hindi puwede biruin,” ani coach Leo Austria sa maagang ratsada ng team.

Bawi rin sina Mo Tautuaa (19 pts., 10 rebounds) at June Mar Fajardo (18 pts., 16 boards, 3 steals, 4 blocks) sa Beer, at nilista ni CJ Perez ang unang triple-double ng career sa 15 pts., 13 rebs., 12 asts.

Napigil sa 2-4 ang FiberXers sa kabila ng 22 points ni Allyn Bulanadi na 5 for 8 sa 3s.

Sa first game, pasabog ng 27 points si Mikey Williams at pinaluhod ng TNT (5-2) ang Phoenix (2-5) 87-72. (Vladi Eduarte)

The post Perez, San Miguel nilasing Converge first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments