Mga Pinoy may trabaho sa Canada, Germany

Bubuksan ng Canada at Germany ang kanilang pintuan para sa mga Pilipinong manggagawa, partikular ang mga health at skilled worker.

Ito ang ibinalita sa Laging Handa public briefing kahapon ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Atty. Bernard Olalia matapos aniyang lagdaan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang isang kasunduan sa mga nabanggit na bansa.

Ayon kay Olalia, mayroon nang mahigit 40 bansa na tumatanggap ng mga Pinoy worker tulad sa Middle East, Europe, Amerika at ilan pang nasyon sa Asya at pinakabago sa Canada at Germany.

Inilahad din ni Olalia na inatasan na sila ni incoming Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople na madaliin ang proseso ng deployment ng mga OFW para makapaghanapbuhay sila sa ibang bansa. (Aileen Taliping/Dolly Cabreza)

The post Mga Pinoy may trabaho sa Canada, Germany first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments