PNPA kadete tigok sa training

Binawian ng buhay sa ospital ang isang bagong kadete ng Philippine National Police Academy tatlong linggo matapos itong mawalan ng malay habang nagti-training sa PNPA ground sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite.

Kinilala ang nasawing kadete na si Rafael Aminin Sakkam, tubong Zamboanga City at isa 1,871 nakapasa sa PNPA Cadet Admission Test noong 2021.

Ayon sa PNP, si Sakkam ay binawian ng buhay sa Qualimed Hospital, Brgy. Sto Domingo, Sta Rosa City, Laguna nitong Sabado ng gabi.

Batay sa report, nag-collapse si Sakkam noong June 3, 2022 habang ito ay sumasailalim sa reception rites.

Dinala ito sa PNPA Dispensary matapos mahirapang huminga.

Inilipat ito sa Qualimed Hospital noong June 7 dahil sa patuloy na paglala ng kalagayan. Subalit nitong Sabado ng alas-sais ng gabi ay tuluyan nang binawian ng buhay. (Ronilo Dagos)

The post PNPA kadete tigok sa training first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments