Waiting shed inararo ng nakamotor

TODAS ang isang binata matapos suwagin ang waiting shed nang hindi mapansin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Sta. Lucia, Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Narvacan Police Station (NPS) ang biktima na si Gilbert E. Cabebe, 22, ng Barangay Margaay.

Sa report, ayon sa NPS, bago ang insidente, binabagtas ni Cabebe ang Barangay Sta. Lucia sakay ng itim na motorsiklo papuntang Narvacan.

Sinabi ng pulisya na sa sobrang bilis ng biktima, hindi umano nito napansin ang waiting shed sa gilid ng kalsada na siyang sinuwag nito.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro mula sa crime scene at nagtamo ng head and body injury.

Isinugod siya sa Ilocos Sur District Hospital ngunit dead-on-arrival ito. (Alllan Bergonia)

The post Waiting shed inararo ng nakamotor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments