RAV4 owner di sumipot kay piskal

Hindi sumipot sa preliminary hearing kaugnay sa kaso niyang frustrated murder si Jose Antonio Sanvicente, ang driver ng RAV 4 na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong nitong June.

Tanging ang abogado lamang niyang si Danny Macalino ang pumunta sa nasabing hearing sa Mandaluyong City Hall of Justice nitong Biyernes, Hunyo 17.

Dismayado naman ang kampo ng biktimang security guard na si Christian Joseph Floralde, anang abogado ng una na si Atty. Federico Biolena.

Sa kabila naman ng hirap sa paglalakad dahil sa natamong pinsala, nanumpa sa kanyang affidavit sa fiscal’s office si Floralde.

Ayon naman sa abogado ni Sanvicente, hihintayin muna nila ang kopya ng reklamo bago magbigay ng counter-affidavit.

Samantala, inaasahan ng kampo ni Floralde na sisipot na si Sanvicente sa susunod na hearing sa June 23.

Wala namang naganap na bayaran o suhulan at desidido ang biktima na kasuhan ang suspek. (Issa Santiago/Vick Aquino)

The post RAV4 owner di sumipot kay piskal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments