Biyahe ng LRT 2 pinalawig

Pinalawig ang oras ng operasyon ng LRT line 2 simula kahapon.

Sa abiso ng LRT 2, mula sa alas-8:30 ng gabi na huling byahe ng LRT 2 ng commercial train sa Antipolo ay gagawin na itong alas-9:00 ng gabi.

“From the original schedule of 8:30 p.m., the last commercial train departing from Antipolo station will be adjusted to 9:00 p.m,” anunsyo ng LRTA

Habang alas-9:00 ng gabi na huling biyahe ng commercial train sa Recto, Maynila ay gagawin nang alas-9:30 ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng LRT 2, layunin ng pagpapalawig ng oras na biyahe na makapagsakay ng mas maraming pasahero alinsunod sa atas ng Department of Transportation (DOTr). (Betchai Julian/Kiko Cueto)

The post Biyahe ng LRT 2 pinalawig first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments