10 haybol naabo sa kambal na sunog

Naabo ang mahigit sa 10 bahay na gawa sa light materials matapos na sumiklab ang dalawang magkasunod na sunog sa may Baseco Compound, Port Area at sa Tondo, kahapon sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, alas-11:24 ng umaga nang magsimula ang sunog sa may Blk 2 Baseco Compound, Port Area.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out alas-12:09 ng tanghali.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay isang sunog na naman ang itinawag sa may panulukan ng Moring at Hermosa Sts., Tondo.

Nagsimula ang sunog alas-12:15 ng tanghali na tumagal lamang ng may 25-minuto.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.

Patuloy na inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 10 haybol naabo sa kambal na sunog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments