Sinagip 2 binatilyo, dalaga nalunod

Nasawi sa pagkalunod ang isang dalaga habang tinatangka nitong sagipin ang dalawang nalulunod na binatilyo sa beach resort sa Sariaya, Quezon kamakalawa.

Idineklarang dead on arrival sa ospital sa Lucena City ang biktimang si Juvelyn Cabrera, 46, residente ng Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas.

Sa report ng Sariaya police, nag-outing ang magkakaanak sa isang resort sa Brgy Guis-Guis Talon, Sariaya at habang naliligo ang dalawang binatilyo alas 4:30 ng hapon ay matangay ang mga ito ng alon sa malalim na bahagi ng dagat.

Agad sumaklolo ang dalaga. Nasagip nito ang isa sa binatilyo at nadala sa mababaw na bahagi.

Subalit nang balikan nito ang isa, hindi na nito kinaya at natangay na ito ng alon.

Na-rescue naman ng mga residente na gumamit ng bangka ang isa pang binatilyo.

Isinugod sa ospital ang dalaga at kanyang nasagip subalit binawian din ng buhay ang biktima. (Ronilo Dagos)

The post Sinagip 2 binatilyo, dalaga nalunod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments