Abante babae: Filipinas reyna ng football

Sa pasimula ng puwersa ni Jessika Cowart, ‘di napigilan ng malakas na ulan ang Philippine National Women’s Football Team tungo sa pagputol sa 42 taong pagkauhaw sa korona nang magkampeon sa unang pagkakataon sa 12th Asean Football Federation 2022 Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila Linggo ng gabi.

Sinilat ng Filipinas ang four-time titlist Thailand, 3-0, upang dagdagan pa ang mga itinalang kasaysayan sapul na mabuo noong 1980 habang ibinigay nito sa bansa ang una ring titulo sa internasyonal na torneo ng soccer.

Agad pinahiyaw ni Cowart ang 8,257 manonood nang sa walong minuto pa lang sinalpak ang header para sa unang goal ng PH 11. Ang goal ay una niya sa torneo at sa internasyonal na kompetisyon.

Agad itong sinundan ni Katrina Guillou sa 21-minute at sani Sarina Bolden sa second half na nagpadiliryo sa mga miron, yumanig din sa playing venue para sa selebrasyon ng bansa.

Unang nakatikim ng medalya ang women’s football team noon pang 1985 Bangkok Southeast Asian Games kung saan ginanap ang sport sa unang pagkakataon.

Hindi na nakalusot sa group stage ng sumunod na mga edsiyon ng kompetisyon ang Nationals bago na lang sa pinakahuli noong 2019 kung saan ito ang host.

Muling naka-bronze medal ang Pinay booters sa 2022 Vietnam SEA Games.

Una na ring nakatapak sa Asian Football Confederation Women’s Asian Cup semifinals ang ‘Pinas upang makasakak sa International Football Federation Women’s World Cup sa Australia sa 2023. (Lito Oredo)

The post Abante babae: Filipinas reyna ng football first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments