Aklan, NCR COVID hawaan tumaas pa

Nakapagtala ng 26.9% positivity rate ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan habang tumaas rin ang positivity rate sa National Capiral Region na nasa 10.9% nitong Hulyo 9.

Ito ang iniulat kahapon ng independent monitoring group na OCTA Research, kung saan ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Ayon sa datos na ibinahagi sa kanyang Twitter account, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng Aklan ay tumaas sa 26.9% noong Hulyo 9, mula sa 21% lamang noong Hulyo 2.

Ang positivity rate naman anila sa NCR ay tumalon din mula sa 8.3% lamang noong Hulyo 2, at naging 10.9% noong Hulyo 9.
Lampas na ito sa 5% lamang na benchmark na itinatakda ng World Health Organization (WHO). (Juliet de Loza-Cudia)

The post Aklan, NCR COVID hawaan tumaas pa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments